Bayanihan Awardees 2015

 

11

PFC RONNIE R GUSTO 905835 PA

Kasabay sa pagdiriwang ng ika-walumpung taong anibersaryo ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas noong Disyembre ng 2015 ay ang pagpaparangal sa mga natatanging miyembro ng AFP.  Bagamat lahat ng kasundaluhan sa kasalukuyan ay maituturing na bayani ng lipunan dahil sa walang pag- aalinlangan nitong paglilingkod sa bayan at kalimitan ay pag-aalay pa ng buhay masiguro lamang ang ating kaligtasan, ang ilan sa mga naparangalan ay masusing pinili ng hurado upang bigyan ng medalya.

            Isa na dito si PFC Ronnie R Gusto ng 73rd Infantry Battalion ng 10th Infantry Division ng Philippine Army, isa sa mga Gold Cross Medal awardees.  Maraming beses na syang nakaranas ng engkwentro sa kabundukan laban sa mga tauhan ng New People’s Army. Aminado siya na sa tuwinang magkakaroon ng engkwentro ay takot at kaba ang kanilang nararamdaman lalu na nung siya ay baguhan pa lamang. Ito ang unang assignment ni Ronnie bilang sundalo.  Matapos ang masusing training ay ang 73rd IB na ang kanyang naging tahanan.

            “Simula ng bata pa ako, pangarap ko nang maging sundalo para makatulong sa bayan.  Ang unang assignment ko ay sa 73rd ID naka assign ako sa file, sa scout platoon.  More on operation yung mga ginagawa namin.  Pag sinabing operation, lalu na pag baguhan ka pa lang, kinakabahan ka tlaga. Pero sa katagalan, nama-mind set mo na, natatanggap mo na kung ano ang mangyayari sayo”.

            Naisalaysay din niya kung paano niya nakuha at ng kanyang grupo ang Gold Cross Medal.

            “Nakuha ko yung award na ito nung encounter namin sa front 75 noong Feb 16, 2015.  May nakapag sumbong kase sa amin na mga sibilyan, bandang alas dos ng mgadaling araw, na may objective na ibinigay sa amin, tapos pinuntahan namin.  Dumating kami sa area mag- alas sais na ng umaga.  May nakita kaming bahay tapos may 2 sibilyan na sila ang nakapag turo kung nasan ang mga NPA.   Nung malapit na kami sa pinag kukutaan ng NPA,  hndi namin alam na may isa pala silang inutusan na umakyat at magmanman sa amin.  Harap harapan, malapitan nagkagulAtan lkami at kinausap ko na lang siya na wag na lang tumakbo, kakausapin ka lang namin.  Nakakatawa kase nung tinanong ko siya kung saan siya pupunta, ang sabi nya mag iigib daw siya ng tubig pero ang bitbit nya eh isang charger.  Yun pala, mag cha-charge siya ng cellphone at the same time mag rereport siya kung nasaan ang mga sundalo.  Sa katagalan namin na nag uusap, sinabi na rin nya lahat lahat.  Ginapang namin, may labin-lima kaming mga sundalo, 7 yung nasa baba nag-blocking tapos 8 kaming umakyat. Nagkaroon ng palitan ng putok. Bali, lahat kami sa grupo, nabigyan ng award.

            Isa yung NPA na nakaharap ko ang sumuko at nagpapasalamat siya na sya ang inutusang umakyat.  Dahil kung hindi daw siya ang nautusan, baka kasali pa siya sa mga napatay.”

Ayon kay Ronnie, hindi niya maiwasang maluha habang tinatanggap ang award na ang mismong si pangulong Noynoy Aquino pa ang naglagay sa kanyang uniporme. Naisip daw niya ang mga hirap na kanilang dinaranas sa bundok masiguro lamang ang kaayusan at kaligtasan ng mga mamamayan sa lugar na kanilang kinabibiliangan.

“Nung matanggap ko ang gold cross award, masaya sa pakiramdam kase parang naisip ko yung hirap namin sa bundok, sa operation habang nasa bundok, hindi talaga maiwasan yun ulan, init na nararanasan namim, maabot lang ang objective.  Parang yung lahat ng hirap, kahit may sakit kami sa bundok, kahit sugat-sugat na ang aming mga paa, mapilay ka man sa bundok, pag sa operation, mapipilitan ka talaga maglakad.  Naisip ko, na lahat ng hirap namin sa bundok na mga sundalo, minsan talaga, hindi inaakala na mabibigyan pala ng pansin at mabibigyan ka ng recognition”.

Mayroon lang sanang nais na iparating na mensahe si PFC Gusto sa mga miyembro ng New People’s Army…

            “Dito sa natanggap ko na award, hindi ko alam ang mararamdaman ko.  May halong saya at takot kase yung mga pamilya ng NPA, baka pag-initan kami.  Ginagawa lang naman namin ang aming tungkulin.

            Sa mga kaibigan nating NPA, kung may labanan sa pagitan ng sundalo at NPA, at may namatay sa relatives ninyo, o kasama ninyo, wag po sana kayong personal na magalit sa amin kase po hindi kami ang nakapatay sa inyo o sa inyong mga relatives o kasama ninyo, kundi yung mga maling paniniwala at tungkulin ninyo”.

Sa kabila ng pangamba, takot at pag-aalinlangan sa kaligtasan ng kanilang buhay sa tuwinang tutungtong si Ronnie at buo ng kanyang hanay sa kabundukan, buo pa rin ang kanilang loob na gampanan ang kanilang sinumpaang tungkulin, matiyak lamang ang kaligtasan ng sambayanang Pilipino.

This is the official wordpress account of 7th Civil Relations Group (Kawal Pinoy), Civil Relations Service, AFP

Posted in Kawal Pinoy News

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: