16427607_10212117902692196_6898905623067831337_nAng pagsasakripisyo ng sariling buhay para sa bayan ay kaakibat na tungkulin ngunit isa sa pinakamabigat at pinakamahirap na desisyon ng isang sundalo. Ito ay parte ng kanilang sinumpaang tungkulin na pagsilbihan at protektahan ang lupang sinilangan, subalit ‘di pa rin natin maiaalis sa isip na sa kabila ng pagiging isang sundalo, sila rin ay anak, ama, asawa, kapatid na nangungulila sa kanilang mga mahal sa buhay.

Isa sa mga hindi na mabibigyan ng pagkakataon na ipagpatuloy ang panunumpang ito ay si 2LT Miguel Victor Alejo. Siya ay nagtapos sa Philippine Military Academy taong 2015 at nadestino sa 67th Infantry Battalion. Nitong Pebrero 1 sa Sitio Paliwason, Barangay Manay, Davao Oriental, kinitil ang kanyang buhay ng mga armadong miyembro ng New People’s Army.

Ayon kina 2LT Begex Manalo at 2LT Jei-Em Tagufa, mga kasamahan ni 2LT Alejo sa 67th IB, siya ay isang masayahing tao at masarap kasama. Siya ay may kabuluhang kausap at may paninindigan sa kanyang pananampalataya sa Diyos. Siya ay may malasakit sa kapakanan ng kanyang kaibigan at katropa.

“May plano siya na magtapos sa serbisyo ng matiwasay and have his own stable family, we also acknowledge his respect and love to his parents in all his plans,” dagdag nina 2LT Manalo at 2LT Tagufa.

Mabigat ang kalooban ng kanyang mga magulang sa trahedyang sinapit ng kanilang anak subalit naiintindihan ng kanyang ama na ito ay isang misyon na dapat tuparin at panindigan.

Hinaing ng kanyang ama na si Ginoong Norman Alejo, isang retiradong sundalo na “Anuman ang kinabibilingan nilang mga samahan. Sana… sana lang ay tigilan na ang ganyang away-away ng Pilipino sa kapwa Pilipino para maiwasan ang mga pangyayaring katulad nito. Tulad ng pangyayaring nangyari sa aking anak.”

Nais niya ring ipaabot ang mensahe bilang isang ama na tigilan na ang anumang nakakasagabal sa minimithing kapayapaan ng mga mamamayang Pilipino. “Alam kong marami ang nakikidalamhati sa nangyari sa aming pamilya at hangad rin nila… kaisa rin namin sila doon sa layunin sa kapayapaan. Kaya sana naman ay tigilan na itong mga walang pakumanggang pagsasakitan [at] labanan ng mga kapwa Pilipino. Itigil na sana para magkaroon na tayo ng kapayapaan,” dagdag pa niya sa isang panayam ng Kalinaw News.

Ang buhay ni 2LT Alejo ay magsisilbing inspirasyon at paalala na nararapat nating ipagpatuloy ang pag-abot ng ating minitmithing kapayapaan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s