“Sir Booooooy!”

Iyan ang huling sigaw ni Cpl Ricky Bill Fariñas matapos silang paulanan ng bala ng mga armadong NPA sa kasagsagan ng kanilang operasyon sa Tapaz, Capiz.

Hindi akalain ng kahit na sinuman sa kanilang kasamahan na iyon na ang huling pagkakataon na masisilayan nila ang kanilang kasama na si Cpl Fariñas.

“Mabait, mapagmahal sa pamilya niya. At kung saan man kami ma-assign ay mahal siya ng mga tao lalo na ang mga bata. Tapos, kapag makita niya mga mahihirap na mga tao sa bundok, basta may pera yan, di madamot sa mga tao.” sabi ni Cpl Leo Hornada, Squad Leader ni Cpl Fariñas sa 61st Infantry Batallion.

Si Cpl Fariñas ay isa lamang sa mga sundalong nanumpang i-alay ang buhay upang makamit ang inaasam-asam na kapayapaan sa bansang sinilangan.

“Plano niya mag-ipon sila ng girlfriend niya ng pera para sa pag-uwi niya galing sa ibang bansa ay magpapakasal sila. Tapos plano pa niya kapag may anak na sila bigyan niya ng magandang buhay at paaralin para maging maganda rin ang future ng magiging anak nila balang araw,” dagdag ni Cpl Hornada.

Nakitilan ng buhay si Cpl Fariñas matapos silang pasabugan at paulanan ng bala ng mga NPA noong Pebrero 7. Ang mga plano niya sa buhay ay magsisilbing plano na lamang na hindi niya kailanman matutupad.

cpl-farinas

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s