NPA pinaputukan ang trak ng militar na naghatid ng relief goods sa Surigao

Mga bandang alas otso ng gabi noong Pebrero 14, habang naghahakot ng relief goods para sa mga nasalanta ng 6.7 magnitude na lindol sa Surigao, pinaputukan nga mga NPA ang KM 450 na minamaneho ni Cpl Homer June Fajardo (Inf) PA at ng kanyang mga kasamahan. Nanggaling sila sa 30th Infantry Batallion dala ang limang KM 450 at isang sasakyan ng ABS-CBN – Sagip Kapamilya papuntang Brgy Carihatag, Municipality of Malimono.

“Na-neutralize namin yong putok kasi nakapag-return fire kami kaagad,” sabi ni Cpl Fajardo.

Hinaing ni Cpl Fajardo na sana ay makisama ang mga NPA sa pagtulong sa mga nangangailan lalo na sa mga apektado ng lindol.

“Sana makisama na sila. Kung mas maganda nga na tumulong na rin sa mga taong apektado na hindi na sana sila maghanap ng gulo pa. Kasi yong mga militar po natin, pumunta don para tumulong… para maihatid yong tulong dahil napakahirap po nong area doon [Brgy Carihatag],” dagdag pa niya.

Hinihikayat niya rin ang mga NPA na sa halip na magsimula ng gulo ay ibaba nila ang kanilang mga armas at tumulong sa pagbibigay ng ayuda sa mga kababayang apektado ng lindol.

“Sana matauhan sila na tumulong rin sila [at] makisama para matulungan natin yong mga taong nasa malayong lugar na maihatid natin ng maayos ang relief goods at hindi madamay yong mga citizen,” dagdag ni Cpl Fajardo.

This is the official wordpress account of 7th Civil Relations Group (Kawal Pinoy), Civil Relations Service, AFP

Posted in Kawal Pinoy News

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: